OPERATION; SILENT TYPE AUG 7, 2009

waaaaa....

ngayong araw e hindi ako nakainom ng kape!!!!!

pati kahapon! hindi rin pala ako nakainom! kaya i really feel bad! nanghihina ako. kaya eto na lang ang trip ko ngayon. dahil hindi naman ako makapag-hyper landi dahil sa walang masyadong energy, tatahimik na lang ako. titignan ko kung sino ang mga babati sa akin sa isang typical na araw na tahimik ako. bwahaha, let's see!

pasok namin e 9 am. bumulaga agad saken ang madaming estudyante sa admin building! mga tourism majors ng iabf! general assembly pala ng tourism ngayon!

8am nasa room na ako. nandun na sina shellane at arrianne.

at nagsimula na ang opertion for today! SILENT TYPE!...

unang bumati sa akin si rafael riano. takte! napansin agad na nagbabasa ako ng lesson. may recitation kasi sa social anthropology namin tungkol sa kinship systems. e alam ko namang nakapagbasa na yan si raf! yan pa! halimaw yan sa studies e! mukhang BOOK na nga yan e! lol..

pangalawang bumati si monica chinte! tinanong niya agad ako kung bakit ako malungkot. hehe. hindi ko kasi pwedeng sabihin ang secret operation ko ngayon e. hehe.

pangatlo si wekki martino. nakita kasi na nagsusulat ako, kaya ayun nagtanong kung may assignment ba. hehe. e nagsusulat na ako ng article na ito nun e.

nakakainip! lumabas muna ako para mag-CR. bumulaga ba naman agad sa akin si jerryl gaton! takte! hinampas ba naman ako ng FA book! ang kapal pa naman nun! ang sakit! pero nagpanggap ako na parang walang nangyari! nagtaka siya kung bakit ako seryoso! "nag-break na ba kayo?", tanong niya sa akin! takte! nabadtrip tuloy ako! NGSB... no gf since birth...

pagbalik sa room e balik emote ako! nakita naman ako ni marie bobon na tahimik. ayun! nilapitan ako at nangungulit na manlibre naman ako sa bday ko. ayun! wala akong nagawa kundi pumayag. mag-iipon na ako ng budget! matagal ko na rin silang di nakakasama e.

pumasok naman sa room namin si raven gomez! nabigla ako nang sinabi niyang "magpapaburger ka daw?". ano?! libre nanaman? para san? ipopost na daw yung mga topnotchers sa FA departmentals. sus! asa pa ako dun! hay naku....

si trizza dacanay at rosalyn manuel naman e nangalabit lang! wala lang! poon siguro ako kaya kinakalabit! lol,

klase na namin sa taxation! xempers todo pakinig ako!

nung macro na namin, napansin nina antonette guilange at cherry estrada na matamlay ako! "nagaway nanaman ba kayo ni tonette?" tanong ni cherry. loko to! hahahaha... huh?!

hmm, hindi na ako nakapag take note nung mga hapon. ang natatandaan ko lang e nag E-LIB ako! nabwisit lang ako sa todo slow motion na internet connection! parang pagong na nasa buwan! 20 minutes bago maopen ang facebook! grabe! matatae ka sa kahihintay!

nagreview din kami ni gaton sa library! negotiable instruments law! hmm. ayun! nag-debate pa kami tungkol dun sa bill of exchange! sabi niya! " sa isang order instruments may tatlong parties; drawer, drawee at payee! si drawee ang may utang kay payee. si drawer parang agent lang ni drawee para ibigay ni drawer kay payee ang instrument!" ang point ko naman e "si drawer ang may utang kay payee kaya mag-iissue siya ng order instrument! parang may fund si drawer kay drawee kaya uutusan niya ito na bayaran si payee, out of which reimbursement is to be made dun sa fund na hawak ni drawee!" waaaaaa, ang gulo! basic pa lang yun pero nag-away na kami! hahaha...

hmm, tapos nakakahilong lesson sa soc anthro! nag-aral pa ako wala rin naman palang recitation! si sir din ang nag-discuss! ayun! sayang effort! nahilo na lang ako sa mga kinship patterns ni sir! nakakahilo! may mga patterns din pala kung pano mo malalaman ang mga relatives mo based on those patterns! hays! i-search niyo na lang sa net! tinatamad akong ikwentoyung mga patterns na yun!

pagkatapos ng klase e diretso dota! mag-isa nanaman ako! hay naku!

nakakalungkot ulet!

over-all! ayos din naman ang operation! makikita mo kung sino yung mga nagpapahalaga sayo! and kung mababasa nila ito e nagpapasalamat na din ako sa kanila! at least pinansin nila ako! kahit na iba't ibang walang kwentang bagay ang dahilan, eh at least napansin nila ako!

ikaw?! may pumapansin ba sayo dahil sa ikaw ang dahilan o dahil may kailangan lang sila sayo?!

(dahil sa hindi pagkainom ng kape ay kung ano-ano na ang naiisip ni itlogpugo!)
Read more »
These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Furl
  • Reddit
  • Spurl
  • StumbleUpon
  • Technorati

GAGO AKO!! Aug 4, 2009

bwisit! bwisit! bwisit!

kung ano-ano nanaman ang naiisip ko! napakalungkot ng araw na to! ginabi nanaman ako sa kadodota. MAG-ISA lang! wala man lang akong karamay! bwisit! ang dami ko pang nasasalubong na mag-jowa! tang-ina ang sweet pa! "maghihiwalay din kayo!", nasabi ko na lang!

bakit ganun ang buhay?! panget yung lalake pero mahal nung babae?! ma-appeal siguro yung lalake! tae! ang panget nung babae! di bagay sa lalake! anong nakita niya dun?! may kiss pang nalalaman! TRUE LOVE ang loko! hay naku...

nakakainis! wala man lang magkamaling magmahal sa akin! pinagkaitan ata ako ng tadhana! siguro nang magpaulan ng kagwapuhan si Lord, natabunan ako ng mga gago! di man lang ako tinirhan! nakakainis! nakakalungkot! nakakapanghina! ano nang gagawin ko?! magpapakamatay na ba ako?! GAGO! gago ka kapag yan ang sinabi mo sa akin! para kang ewan! ang kailangan ko e kaibigan! yung pweden makaramay! JOWA kaya ma kilala ka?! yung single, understanding at lagyan mo na rin ng konting hitsura. pwede ko ba siyang makilala?!
tae! tae talaga! woooo... ang baho! tae!

torpe ba talaga ako o tanga lang talaga?! siguro torpe ako! oo, torpe nga ako! isang napakalaking torpe! pota! alam mo ba kung minsan naisip ko na lang kung maging babae na lang kaya ako?! at least di ko na kailangang manligaw... sila na ang manliligaw sa akin! sabi nung ibang babae, maswerte daw kaming mga lalaki kasi pwede kaming mamili kung sino ang liligawan namin! tae! okay lang maging babae kung isa ka namang lalakeng katulad ko! torpe na, mahirap pa! hays, wala ka talagang mapapala sa akin!

nakakagago! nakakasira ng ulo! nakakademonyo!

sabi nila " wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gagawin nila sa iyo!". ibig bang sabihin e, "gawin mo sa iba ang gusto mong gawin nila sa iyo?!". e pano kung wala akong gagawin? wala ka ding gagawin sa aken?

walang kaibigan, walang karamay, walang nagmamahal! isang kagutumang hindi mapunan... isang basura! walang kwenta! di na mabubuo pa ang nasirang pag-asa! wala na... huli na... too late...
Read more »
These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Furl
  • Reddit
  • Spurl
  • StumbleUpon
  • Technorati