katorpehan numero uno

mabigat din pala sa dibdib,
pagtingin sa puso'y di masambit!

pano kung di mo ako mahal?
pano kung may mahal kang iba?
pano kung sa kanya ka masaya?
ayos lang, sanay naman akong mag-isa.


nakakatuwang isipin,
alam ko sa sarili kong hindi kita lolokohin,
pero nakit di pa rin kayang gawin?
magtapat at pag-ibig ay sabihin?

ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko,
kasamang bubuo ng bahay na gusto mo,
lumibot tayo sa buong mundo,
maligaw man, magkasama naman tayo.

ang dami kong pangarap para sa atin,
kaso ang labo, mag-isa akong gumawa ng plano,
selfish pa naman ako,
gusto ko ikaw lagi ang katabi ko!

ang dami na pala nating mga tawagan no?
sa dami di ko na malaman kung anong itatawag sa iyo,
di bale di magtatagal,
tatawagin na kitang misis ko..

kelan kaya mangyayari yun?
e hanggang ngayon dedma mo pa rin ako,
at ako naman ay dinadaga,
hays wala na talagang pag-asa! :((


--> napakalungkot! grabe. di niyo lang alam kung pano! kasi di kayo nag-iisa.. :(
These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Furl
  • Reddit
  • Spurl
  • StumbleUpon
  • Technorati