gutom na gutom ako sa subject namin na macroeconomics, 10:30 - 12:00. excited na ako mag-time dahil gutom na talaga ako. Nautusan ako ni mam laraƱo sa laptop niya. kaya nang isauli namin ni kenet ang laptop sa dean's office, nagtatakka ako kung bakit ako iniwan nina raf at yong na lagi kong kasabay sa pagkain tuwing lunch. dahil gutom nga ako e pumunta na lang ako sa tayuman! sakto namang nandun sina gelo, gaton at ding na kumakain. edi sumabay na ako sa kanila. nagtataka ako kung bakit nagtataka sila na kasabay ko silang kumain nang mga sandaling iyon. at saka ko lang naalala! klase ko pa pala sa investment! hays. kaya ayun unintentionally ay nag-cut ako sa klase ko. kumain na lang ako at nasabi na lang "dapat kasi lunch na pag 12:00, hmmp!"
Tags:
everyday life,
kalokohan











Post a Comment