MUKHA DAW AKONG MATANDA!

mukha akong matanda! yan ang pinakanakakabadtrip na marinig ko sa isang babae. ang suspek ay si Shirley olivo! kaklase ko sa bs accountancy sec1.

scenario: naghihintay kami kay marie isa naming kaibigan. hindi naman talaga kami close ni shirley pero bilang change sa aking personality na suplado, e nakipagusap ako sa kanya! kasama niya si jessa calma, kaklase din namin.

nagkatext na rin kami ni shirley kaya mejo may mga topics naman kaming napaguusapan.

ako: lola! musta na?

shirley: bakit peking edgar?! (peking man daw?!)

ako: kapal! 2 months lang naman tanda ko sau! 1989 ka din e!

mga kaklase namin kasi halos e mga 1990, 1991 at may 1992 pa!

shirley: so ikaw pala pinakamatanda sa atin sa klase!

ako: oi hindi ah! si raf kaya! hulaan mo kung anong year siya pinanganak!

S: 88?

ako: hindi

S: 87?

ako: hindi

S: 86?

ako: oo!

S: di nga? maniwala?!

ako: oo nga tanungin mo pa siya!

tinanong nga nila si raf!

raf: oo 1986 ako pinanganak!

S: o di nga? mas matanda tignan si peking edgar!

raf: haha. sabi ko na sau allan e! mas mukha kang matanda sa akin!

ayun na nga! nasabihan na akong matanda, naasar pa ako ni raf!

malas!
These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Furl
  • Reddit
  • Spurl
  • StumbleUpon
  • Technorati