CHIRWAKS CODE!

kakaibang lungkot naman ito
nagsasaya ang lahat, habang ako nandito
litung-lito, gulong-gulo
ito ba talaga ang gusto ko?

hindi naman ako ganito mag-isip noon
kontento na sa mga bagay na mayroon ako
ngunit iba na talaga ngayon
di ko na maintindihan maging ang sarili ko

hindi naman sa nagsisisi
eto naman talaga ang aking pinili
sabi ko wag magmadali
darating din siyang para sa akin

ngunit iba na pala pag ramdam mo na
lungkot na dulot ng pag-iisa
KAIBIGAN daw ang sabi nila
pero ngayon nasan na sila? naglaho parang bula

iyon naman talaga ang uso sa mundo
hindi nawawala ang pagbabago
pero hindi naman yun ang isyu dito
ang tanong e bakit malungkot ako?

siguro naiinggit lang ako sa kanila
kasi kasama nila ang mahal nila
sasabihin ng mundo ay di alintana
magkasama lang silang dalawa, ayos na

bakit ko ba to pinoproblema?
bakit di na lang maghanap ng ihaharana
iyon! naalala ko na ang problema
walang lakas ng loob, upang ang pagmamahal ay ipakita

torpe man ako kung susumahin
mayroon sana ako sa’yong sasabihin
dito ko na lang talaga dadaanin
alam ko namang walang pag-asa pa rin

Kung kinabukasan mawala na ako
At di ko na masabi pa sa’yo
Ewan ko kung makukuha mo
Itong mensaheng dito’y nakatago
Lagi mong tatandaan
Ingat ka kung saan ka man
Kumain ka, almusal, tanghalian at hapunan
Everyday ngumiti ka lang
U will always be my one…
These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Furl
  • Reddit
  • Spurl
  • StumbleUpon
  • Technorati

2 Responses to this post

  1. Anonymous on July 31, 2009 at 12:25 AM

    kung totoo man ang reincarnation at pdeng pagsabayin ang 2 dimensions. ikaw siguro ang reincarnation ko (guy version ka). hehe. how could you say those things? damn parang gusto kong mapakanta ng 'killing me softly' ng fugees.

    so the lucky girl's name is kae huh? hehe.

  2. ninong lester on July 31, 2009 at 6:49 AM

    tnx anonymous. sana kilala kita para mabasa ko rin blogs mo. tnx for the comment. tsk. dami pa ko tulsng ginawa.